Thursday, December 2, 2010

Pagbubukas Ng RSPC '10

Ang Tema sa Pagbubukas ng RSPC ‘10
            dʒɛdʒɛmon (jejemon) at Kalayaang Pamamahayag, Ipinagkaisa? Sa pagbubukas ng RSPC ay naging tema nito ang, Kalayaan sa Pamamahayag: Isang Karapatan at Responsibilidad. Ginanap ang pagbubukas ng Regional Schools Press Conference 2010 na nilahukan ng sampung delegado mula sa iba’t ibang pampubliko at pribadong paaralan sa rehiyon 8 kahapon sa Tacloban City Convention Center.
             Sinimulan ang RSPC 2010 sa isang parada mula sa Balyuan at nagtapos sa Tacloban City Convention Center kasama ang marching band mula sa iba’t ibang rehiyon kung saan sumali ang mahigit kumulang sampung delegasyon. Pagkatapos naman ay nagkaroon ng pag dadasal na pinagmulan ng Evsu Choir Group. Ang mga pahayag na ibinigay ukol sa tema ay sumasabi na ang kalayaan sa pamamahayag ay ating karapatan, pero dahil dito, tayo ay nahihirapan sa ating pangaraw araw na pag aaral, halimbawa dito ay ang jejemon, ito raw ay bumibigay ng kahirapan sa ating pag sasalita sa wikang Ingles. Dahil inaabuso natin ito, at ating ginagawang dahilan. n$44n k~?'' (nasaan ka?) ay isang halimbawa ng kanilang paggamit ng jejemon, nakakatulong pa ito sa ating pang araw araw na buhay? Kasama ba ito sa ating preperasyon upang makapag hanap ng tabaho. Ito ay isa sa mga bagay na ibinibigyan pansin ng tema para sa ating RSPC, at ng nagbibigay ng pamahayag. Kasama na din dito ang mga presentasyon na ibinigay ng Evsu Choir Group ang ideya ng Kalayaan sa Pamamahayag. Opinyon nila na hindi dapat natin diskriminahin ang mga kakaibang ideya sa kalayaang pamamahayag, at dapat tayo maging responsible sa ating pag gamit ng Kalayaang Pamamahayag.

            Wag nating iabuso an gating kalayaang pamamahayag, o baka may mangyaring masama sa iyo sa kinabukasan at alalahanin na dapat natin gamitin an gating kalayaang pamamahayag sa kabutihan at wag sa kasamaan, sa sarili, sa kapwa, at sa ibang tao.

jejemon pagsasalin
cn0 k~, bk1+ nD1 kT4 k17474?''
Sino ka, Bakit hindi kita kilala>
Mamamahayag na nanunumpa
jejebuster

Friday, October 29, 2010

Divisions Press Conference

Divitions Schools Press Conference Tacloban Division


Naganap ang DSPC Tacloban sa San Fernando Elementary School, higit 10 mga paaralan ang nakisali sa DSPC. Ang naganap na pressconference ay para sa pagpaalam sa mga batang journalista na tayo ay dapat tumulong sa mga pagiging handa ng mga kababayan sa panahon ng kalamidad.

Ang mga paaralang lumahok sa DSPC ay nagkaroon ng competensya sa mga sumusunod na paligsahan. Pagkuha ng Larawang Pampahayagan, Pagsulat ng Pangulong Tudling, pagsulat ng Lathalaan, Pagsulat ng Balita, pagsulat ng Balitang Isports, at iba pa.

Ang pagkakulang ng pagiging handa ng pilipinas sa oras ng kalamidad


Ang pagkakulang ng pagiging handa ng pilipinas sa oras ng kalamidad
Ang Nawasak ng Ondoy

Ang rescue operation sa Ondoy
Noong ika-26 ng septyembre 2009 ay nasalanta ang Pilipinas ng bagyong Ondoy. Maraming mga tao ang nawalan ng bahay, kabuhayan at marami din ang namatay. Halos 288 ka tao ang namatay. Sa panahon ng baha, dapat, laging handa ang mga pilipino. Kahit may kakulangan ang PAGASA, dapat natin alamin ang mga hakpang sa pagiging handa sa pagdating ng kalamidad.

Noong ika-16 ng Octubre 2010 ay pumasok naman ang Bagyong Juan na may lakas na 210 kph . Mabuti naman na si Pangulong Aquino ay nakapag handa para sa pag salubong ng bagyong Juan sa Pilipinas. Mas mabuti na lamang na naging handa tayong mga pilipino sa naganap na bagyo kundi kawawa tayo.

Hindi lamang ang dalawang bagyo ang nakapag gawa ng ganitong pinsala sa pilipinas, kaya laging alalanin na dapat, tayo ay laging handa.